800 pamilya inilikas sa Mindanao dahil sa flash floods

INILIKAS ang may 800 pamilya bunsod ng pagragasa ng baha sa Misamis Oriental at Sarangani sa Mindanao noong Pebrero 22, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nabatid pa sa ulat ng NDRRMC, naganap ang flash flood at whirlwind sa Brgy. Pangyan at Burias sa bayan ng Glan, Sarangani bandang 1:00 a.m.

Batay pa sa ulat, tinatayang 103 pamilya o 515 katao ang nawasak ang bahay sa bayan ng Pangyan at Burias.

Nasalanta rin ng flash floods ang bayan ng Lagonglong at Medina sa Misamis Oriental bandang 5:00 a.m., bunsod ng malakas na ulan.

Tinatayang 60 pamilya o 300 katao ang naapektuhan sa Brgy. Cabug, Medina; at 50 pamilya o 250 katao sa Brgy. Dampil, Lagonglong.

Pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center sa Misamis Oriental. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply