$8K heroin nakumpiska sa Pinay OFW

TINATAYANG aabot sa 8,000 US dollar o katumbas ng P400,000 ang kabuuang halaga ng nakumpiskang heroin sa isang Filipina overseas worker, iniulat ng National Bureau of Investrigation, Miyerkules, Pebrero 16.

Si Marita Reyes, 42, balo isang OFW ng Islamabad  Pakistan at residente ng 361 Marian Subdivision, Poblacion Sta. Maria Bulacan ay napag-alamang may kasintahang Nigerian national na nakilalang si Max Chidi, alyas “Angel” miyembro ng malaking sindikato ng droga na West African Drug Syndicate na kalimitan ay heroin ang pangunahing droga na ikinakalat sa Metro Manila.

Batay sa ulat ni NBI-Raid Head Agent Ross Jonathan Galicia, nitong nakaraang January 11, pinangakuang pakakasalan si Reyes ni Chidi, kapag naipuslit ang droga na manggagaling sa Pakistan patungong Philipinas at Thailand.

Para makarating sa patutunguhan ay pinadalhan pa umano siya ng pamasahe ng kanyang kasintahan.

Dahil dito, napilitang ipuslit ni Reyes ang 10 pirasong heroin, habang nasa kanyang bibig  at ang ilan ay inipit sa kanyang ari.

Pero habang bitbit ni Reyes ang nasabing heroin ay namataan siya ng mga tauhan ng NBI sa panulukan ng Pedro Gil at Adriatico st. sa Malate na galing pa sa kanyang bahay sa Bulacan.

Nakuha kay Reyes ng aabot sa 352.4603 gramo ng heroin na may katumbas na halagang 8,000 US dollar sa merkado.  Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply