9 katao nalason sa butete

NALASON ang Siyam na katao makaraang kumain ng isdang butete sa Cebu.

Nabatid na nalason ang apat na miyembro ng pamilyang Tapeles at lima sa pamilya Dopio sa Brgy. Diyot, Moalboal, Cebu City.

Kabilang sa mga nalason ay isang 73 anyos na pinakamatanda habang dalawang taon naman ang pinakabata.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, hindi umano masyadong naluto ang inihaing isda at bigla na lamang nanakit ang mga tiyan ng biktima na may kasamang pagkahilo at suka matapos kainin ang naturang pagkain.

Kaagad na isinugod sa malapit na district hospital ang mga biktima na patuloy pa ring inoobserbahan ng mga doktor.

Matatandaang ipinagbawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na kainin ang isdang butete dahil kontaminado ito ng neurotoxin na nakakalason sa tao. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply