9 na katao nalason ng ‘butete’ sa Cebu

NALASON ang siyam na katao matapos kumain ng “butete” sa Cebu.

Nabatid na nalason ang apat na miyembro ng pamilyang Tapeles at lima sa pamilya Dopio sa Barangay Diyot, Moalboal, Cebu City.

Ang pinakamatanda sa mga nalason ay 73-anyos at ang pinakabata ay dalawang taong gulang.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, hindi umano masyadong naluto ang inihaing isda kaya’t matapos itong makain ay bigla na lamang nanakit ang tiyan ng mga biktima.

Kasunod nito ay nahilo at nasuka ang mga ito.

Kaagad na isinugod sa malapit na district hospital ang mga biktima, na patuloy pa ring inoobserbahan ng mga doktor.

Matatandaang ipinagbawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kainin ang isdang butete dahil kontaminado ito ng neurotoxin na nakakalason sa tao. Marjorie Dacoro

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply