A Mendoza-type audit in income-generating agency (2)

ITULOY natin, mga Bok, ang talakayan sa korapsyon na nangangailangan ng masinsing audit sa kamay ng isang Heidi Mendoza.

Sa e-mail na natanggap natin, heto ang isang bahagi na naka-iintriga.

“Alex, ang nangyari sa J6 Comptrollers Office ay nangyari rin sa Customs. 15 Assessment Units/Sections in Formal Entry Division and 3 Units in Informal Entry Division doles out a minimum of P0.5M  on a weekly basis to the Chief, FED, and the District Collector, who in turn ‘fastbreaks’ a part thereof to the OCOM. That is also the name of the game over there at the MICP.”

The painful truth, of course, is that INSTITUTIONALIZED or SYSTEMIC CORRUPTION has long been ‘the name of the game’ not just in the BOC, DPWH, BIR, GSIS, LTO, DOTC, BI, PAG-IBIG  and AFP but in all income-generating agencies of the government.

WITHOUT exception.

Maraming usaping  kriminal ang pwedeng isampa laban sa mga tiwali. Andyan ang paglabag sa RA 1379 (Forfeiture of Ill-Gotten Wealth of Public Officers or Employees Act), as well as RA 3019 (Anti-Graft And Corrupt Practices Act). Maari rin ang PLUNDER, depende sa laki ng halagang ninakaw. At madalas, kasama sa modus operandi ng mga kawatan at kasabwat nila ang pag-palsipika ng mga dokumento. Kaya dale rin sila sa Falsification of Public Documents (Art. 172, RPC).

Culprits can, of course,  be proceeded against for violation of RA 9160 (Anti-Money Laundering Act of 2001) kapag naisipan ng mga kumag na ito na gamitin sa disimuladong transaksiyon, na kung saan pwedeng pala-basin na ligal ang salaping nakulimbat nila!

Pwede ring isabay ang kasong  administratibo laban sa mga kawatan, sa Ombudsman, City/Provincial Prosecutor’s Office o DOJ o sa katulad ng Civil Service Commission.
May it be reiterated for the NTH time, though, that the success or failure of government’s anti-corruption thrust largely depends on a variety of ‘confluencing’ factors. Part of it is not only the capability/competence of our crime enforcers, prosecutors and judges but their INTEGRITY, SINCERITY and DETERMINATION.- Alex ‘Rapido’ Almario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply