Ababa humataw sa DHL golffest

SA pamamagitan ng two-under-par 70 ay naungusan agad ni Sarah Jane Ababa sina Dottie Ardina at Lovelyn Guioguio  sa pagsipa ng National Golf Championships sa Canlubang Golf Club sa Canlubang, Laguna.

Tumapos ng fourth noong nakaraang linggo sa Southern Ladies sa Bacolod subalit naging  mabagsik ang larong ipinamalas ni Ababa dahil sa pagnanais na makakuha ng korona.

“Maganda ang gising,” pahayag naman ni Ababa na ang huling panalo ay naitala sa 100 Plus Malaysian Junior Open sa Malaysia noong isang taon.

Sina Ardina at Guioguio naman ay kapwa kumana ng even 72 sa 54-hole tournament na ginaganap sa North course na isinusulong ng National Golf Association of the Philippines (NGAP).

Samantala, si Chihiro Ikeda, defending three-time winner, ay nagkasya naman sa 73 subalit mataas pa rin ang tsansa niyang mahabol ang kalaban. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply