Abad, 7 pa sa DFA lusot sa CA

NAKALUSOT na sa Commission on Appointments (CA) si Budget and Management Secretary Florencio “Butch” Abad kabilang ang pitong matataas na opisyal ng Department of Foreign Affairs.

Sa ginanap na plenaryo ng CA, inaprubahan kaagad ang kumpirmasyon ni Abad matapos ang mahabang pag-endorso ni Senador Franklin Drilon na sinundan ni Senador Ralph Recto.

Walang tumutol sa kumpirmasyon ni Abad ngunit nagbigay naman ng ilang pabirong salita si Senador Joker Arroyo na sinusuportahan niya ang kumpirmasyon ng kalihim dahil ito ang “poster boy” ng Liberal Party.

Kabilang din sa nakumpirma ay sina Bienvenido Tejano bilang embahador sa Papua New Guinea, Evelyn D. Austria-Garcia, embahador sa Czech Republic, Nestor Z. Ochoa, embahador sa Brunei Darussalam, Jose L. Cuisia Jr., embahador  sa US, at sina Reynaldo A. Catapang, chief of mission; Adelio Angelito S. Cruz, career minister at Raul H. Dado, foreign service officer. Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply