ABAP sasablay sa bagong coach

KUMUHA ang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) ng kilalang strength at conditioning coach ng ALA Boxing Stable para umano tumulong sa pagpapakondisyon ng national boxers.

Subalit naniniwala ang mga kritiko na hindi dapat kinuha ng ABAP si Dr. Pio Solon dahil hindi maganda ang performance ng ibang mga atletang nasa ilalim ng ALA tulad na lamang umano ni AJ Banal na madaling mapagod at umaasa na lamang sa lakas ngunit walang stamina.

Si Solon ang humahawak kina world minimumweight champion Donnie Nietes, Mark Jason Melligen at Rey “Boom Boom” Bautista.

Gayunman, hindi umano nakatitiyak ang ABAP na matututukan ni Solon ang kanyang trabaho sa national team dahil may mga alaga itong boksingerong propesyunal. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply