Abduction sa OFWs sa Libya itinanggi ng DFA, Dole

ITINANGGI ng Department of Foriegn Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (Dole) na walang abduction sa mga Pinoy na nasa Libya.

Sa panayam kay DFA spokesman Ed Malaya, sinabi niyang kinuha lamang ng mga nagsasagawa ng protesta ang kanilang mga pagkain.

Ayon kay Malaya, agad nitong tinawagan ang embahada sa Tripoli at si Agustin Nolbi ng Al Ahar Company hinggil sa naturang report at kanilang nakumpirma na walang may nangyaring abduction doon.

Kaugnay nito, may bagong numero ang Philippine Embassy sa Tripoli upang makontak ng mga Pinoy doon na nangangailangan ng pagkain at agarang assistance.

Ang numerong +218927485473 ay idinagdag sa hotline ng embahada dahil sa dami ng tawag na kanilang natatanggap. Gwenn Salamida

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply