ABL best-of-3 finals sa Bangkok

NASUNGKIT na ng elimination topnotcher ang final slot matapos isalampak ng Chang Thailand Slammers ang Singapore Slingers sa winner take all Game-3 sa iskor na 73-62 sa Thai-Japanese Association Gym sa Bangkok Thailand.

Tinapos ng Slamers ang elimination rounds 11-4 tungo sa pangunguna ng 6-teams na sinundan ng PHL Patriots, 9-6 win-loss slate pero unang nakapasok ang Patriots sa finals sa straight 2 panalo kontra Westports Kuala Lumpur Dragons samantalang kailangan dumaan sa pangatlo at do-or-die game ang Slammers laban sa Singapore Slingers.

Ang Game no.1 ng best-of-3 finals ay lalaruin sa Bangkok sa Linggo habang ililipat ang second game sa Maynila. Nakagugulat na ang panalo ng Slammers ay sa pamamagitan ng laro ni Jason Dixon sa 2nd half na tumotal ng 17 puntos, 4 blocks at 12 boards.

Si Dixon ay ang dating import nang Patriots ng makuha ang kampeonato noong 2010.

Dalawang Pinoy players na sina Ardy Larong na umiskor ng 17 at si ex-PBA guard Froilan Baguion na nagdagdag ng 6 points, 3 assists at 2 steals ang nagbigay ng laro sa Slammers. Radito Torres

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply