ABL Game 2 gagawin sa Pinas

TATANGKAIN Philippine Patriots na makabawi sa Chang Thailand Slammers sa Game 2 ng best-of-3 finals ng AirAsia Asean Basketball League (ABL) Season 2 na idaraos sa Ynarez Sports Arena sa Pasig City sa Sabado, Pebrero 19.

Sinorpresa ng Slammers ang Patriots sa unang laro nang padapain ang defending champion sa iskor na 66-58 sa homecourt nito na Thai-Japanese Association Gym.

Masakit para kay coach Louie Alas na ang dating import na si Jason Dixon ang nagdala ng panalo sa Thai team. Nagrehistro si Dixon ng 14 points at 13 boards.

Bukod dito ang nagmanda sa Slammers ay isa ring Pilipino na si Raha Mortel na nakabase sa Thailand.

Sa kalagitnaan ng last quarter ay nakuha ni Gabe Freeman ang huli niyang personal foul habang abante ang Slammers ng 11 puntos, 65-54, at tuluyan ng lumayo hanggang matapos ang laro. RT

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply