ABS-CBN may bago ng noontime show

MAY papalit na sa noontime show na Pilipinas Win na Win na pansamantalang pinunan ng “Showtime” na pagsasama-samahan nila Toni Gonzaga, John Estrada at Randy Santiago na magsisimula ngayong Pebrero.

Ayon sa DZMM, excited na si Toni Gonzaga na maging bahagi ng bagong programa ng ABS-CBN na kasalukuyang wala pang pangalan.

Matatandaang nanggaling din si Toni sa isang noontime show ng Kapuso channel na “Eat Bulaga”, samantalang sina John at Randy ay mga datihan na din sa “MTB” ng Dos at si Mariel naman ay galing sa “Wowowee”.

“I’ve waited 5 years just to be able to finally do it. Binusisi, pinag-usapan, pinaganda para makapagpasaya ng tao,” sabi ni Toni sa panayam.

Tinanong din ang dalaga kung magkakaroon ng kompetisyon sa pagitan nila ng dating nakaalitan na kaibigan na si Mariel Rodriguez.

“Actually ang nasa isip ko nga, ang main goal ng programa para hindi talaga makipag-compete.” Aniya gusto lang nilang mapasaya ang ang mga manonood.

Sa kasalukuyan ay hindi pa aniya maaaring magbigay ng detalye hinggil sa naturang programa. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply