Abu Sayyaf na kidnapper timbog

BUMAGSAK na sa pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf na wanted sa kasong kidnapping sa isinagawang operasyon, Miyerkules ng umaga, Pebrero 9, Zamboanga City.

Kinilala ni AFP-Western Mindanao Command Spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbang ang nasakote na si Abu Walid.

Ayon kay Cabangbang, si Walid ay nasakote ng AFP at PNP intelligence units sa kahabaan ng Villalobos st. dakong 10:30 ng umaga.

Hindi na nagawang makapanlaban ni Walid matapos mapalibutan ng arresting team.

Dinakip ang suspek sa bisa ng dalawang  warrant of arrest na inisyu nina Leo Jay Principe, Presiding Judge ng Branch 1, 9th Judicial Region  at Danilo Bucoy, Presiding Judge ng Branch 2, 9th Judicial Region ; pawang ng Regional Trial Court ng Basilan.

Ang suspek ay sangkot sa pagbihag sa mga hotel staff kabilang ang nurse na si Ediborah Yap at mga pasyente ng Dr. Jose Torres Hospital na sinalakay ng mga bandido sa Lamitan City, Basilan noong Hunyo 2001. Verlin Ruiz

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply