Adhikain ni ex-President Marcos isusulong ni Bongbong

NANINIWALA si Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na sakaling naipatupad ang lahat ng mga plano at programa ng kanyang yumaong ama na si Ferdinand E. Marcos, disinsana’y umunlad ang Pilipinas gaya ng bansang Singapore.

Ito ang reaksiyon ni Sen. Marcos nang makapanayam ng mga reporter sa
Senado kahapon.

Sinabi ni Sen. Marcos na nananatiling nasa isip lagi ng kanilang pamilya ang pagsulong at pag-unlad at  sinisikap nilang gumawa ng lahat ng paraan kung paano makatutulong sa bansa at mapagbuti ang buhay ng mga Filipino.

Binigyan-diin ni  Sen. Marcos na hindi nila iniwanan ang bansa noong Pebrero 25, 1986 bagkus sila ay dinukot  at puwersahang inilayo sila ng labag sa kanilang kagustuhan.

“Hindi kami umalis, Kinidnap kami,” wika ni Sen. Marcos. Gayunman, kinikilala ni Sen.Marcos ang kahalagahan ng People Power I bilang importanteng bahagi ng kasaysayan.

“Nagsilbi itong batong pananda para sa ating lahat, lalo na sa mga opisyales sa gobyerno at nagbigay ng ideya ito upang maunawaan natin kung ano  at kung paano natin narating ang katayuan natin ngayon o kung  gaano kaliit lamang ang naimbag na pagbabago sa nagdaan. At sa tingin ko, sa dinami-rami ng pangako, ng mga pangarap, ng mga pag-asang inaasam-asam natin noon, mapagtatanto natin na may malaki pa ring  paghamon at gawain na dapat nating pagtulung-tulungang makamit upang mapaunlad natin ang kabuhayan at buhay ng ating mga kababayan,” pahayag pa ng senador. Linda Bohol

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply