Adventist graduate nanguna sa Nursing Licensure Examination

UMABOT sa 29, 711 mula sa 84, 287 examinees  ang pumasa sa Professional Regulatory Commission (PRC) na kabuuang 29, 711 mula sa 84, 287 examinees ang nakapasa sa Nursing Licensure Examination na ibinigay ng Board of Nursing noong Disyembre 2010.

Sa ipinalabas na resulta ng PRC, nanguna sa pagsusulit si Weanne Myrrh Razon Estrada ng Adventist University of the Philippines na may rating na 88.40 percent; pangalawa si Mary Grace Bermudez Rallo ng Central Luzon Doctor’s Hospital Educational Institution na may 86.80 percent.

Pangatlo naman si Maria Kristina Pamintuan Bicas ng Saint Louis University na nakakuha ng 86.60 percent.

Habang pang-apat  naman sina Vanessa Garma Elumbaring ng Saint Mary’s College-Tagum at Kimberly Medina Malubago ng Southern Luzon State University-Lucban (SLPC) na kapwa nakakuha ng rating na 86.40 percent.

Panglima naman si Jessa Lorraine Dejan Andalan ng Xavier University na nakakuha ng 86.20 percent na rating.

Samantalang ang top three performing schools, na may 50 o higit pa na examinees na may 80 percent na passing percentage, kinabibilangan ng Saint Paul University Iloilo na may 124 examinees at lahat ng mga ito, pasado, katumbas ng 100 percent; Xavier University, 330 ang examinees at 325 naman ang nakapasa sa mga ito at katumbas ito ng 98.48 percent at pangatlo ang Saint Paul University Tuguegarao na may 193 examinees at 190 sa mga ito ang nakapasa, na katumbas ng 98.45 percent.

Kinabibilangan ang Board of Nursing nina Carmencita Abaquin, Chairman; Leonila Faire, Betty Merritt, Perla Po, Marco Antonio Sto. Tomas, Yolanda Arugay at Amelia Rosales. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply