AFP bukas sa imbestigasyon ng BIR

TAHASANG inihayag ng Department of NAtional Defense at ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na bukas sila sa natakdang imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue kaugnay sa nabulgar na fund mess sa loob ng military na kinasasangkutan ng ilang heneral at iba pang senior officers.

Ayon kay DND spokesman Ret. Col. Eduardo Batac, ito naman talaga ang gusto ni Defense Secretary Voltaire Gazmin ang malantad kung may mga katiwalian nga sa loob ng DND at AFP.

Nilinaw naman ni AFP Chief of Staff Gen. Ricardo David na ang armed forces ay magiging transparent sa lahat ng imbestigasyon partikular na sa BIR probe kung saan ay posibleng himayin ang kanilang libro.

Samantala, posibleng  hindi lamang  military generals na dawit sa multi-million peso fund anomaly sa AFP  ang saklaw ng imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa pahayag ni  BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares, bilang bahagi ng kanilang trabaho ay kanila ring sisilipin ang mga ari-arian ng pamilya ng mga nasasangkot.

Una rito, sinabi na ng opisyal na hinahanda na ng kagawaran ang kasong tax evasion na posibleng kakaharapin ng asawa ni dating AFP comptroller Jacinto Ligot.

Sinabi pa ni Henares na partikular umano silang interesado sa kaso ni Mrs. Erlinda Yambao-Ligot, matapos mabunyag sa Senate inquiry ang mga pag-aari nitong bahay sa Amerika.

Maging ang pamilya umano ng yumaong si dating AFP chief Angelo Reyes ay hindi rin ligtas sa gagawing pagbusisi ng BIR.

Pero umapela naman ang opisyal na huwag munang pag-usapan ang isyu bilang paggalang sa nagluluksang pamilya ni Reyes. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply