AFP c-130 handa sa paglilikas ng OFWs sa Libya

NAKAHANDA na ang C-130 ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at may standby nang commercial plane ang pamahalaan na gagamitin sa paglilikas ng overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit sa nagaganap na krisis sa Libya.

Ito ang ipinahayag ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, Huwebes ng umaga sa kanyang pagdalo sa  ika-123 “birth anniversary”  ni General Vicente Lim sa rebulto nito sa Roxas Boulevard, Maynila.

Si Gazmin, kasama si Manila Mayor Alfredo Lim ang nanguna sa wreath-laying sa monumento  ni General Lim na naging Commander ng 41st Infantry Division na nanguna sa pakikipaglaban sa mga Hapon noong  Pebrero 24, 1888.

Hinatulan siya ng kamatayan sa pagtanggi na ituro ang mga gerilya na utak ng rebolusyon.

Ani Gazmin, magiging problema na lamang umano ang lugar kung saan dadamputin ang mga ililikas na OFWs.

Ayon kay Gazmin, may kautusan si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na tiyaking maiuuwi sa bansa nang ligtas ang naipit na OFWs sa Libya.

Bagama’t wala namang forced evacuation na gagawin ang pamahalaan sa OFW, kundi iyon  lamang boluntaryong magpapalikas.

Naghihintay lamang umano si Gazmin ng order mula sa Department of Foreign Affairs (DFA),kung kailangan ng paliparin sa Libya ang C-130 ng AFP o ang mga chartered plane ng Philippine Airlines (PAL).

Magugunita na inilikas na ng ibang bansa ang kanilang mga kababayan sa Libya, maliban sa Pilipinas na hindi pa nagsasagawa ng paglilikas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply