AFP comptroller dapat ay sibilyan – Escudero

IMINUNGKAHI ni Sen. Francis “Chiz” Escudero nitong Huwebes na dapat magtalaga ang pamahalaan ng sibilyan bilang comptroller ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang magiba ang sindikatong pinag-ugatan ng kasalukuyang kontrobersiya ukol sa anomalya sa pondo ng institusyon.

Ayon kay Escudero, ang sindikatong ito ang nag-aalok sa mga bagong talagang chief of staff ng mga “pasalubong” at “pabaon,” isang maanomalyang sistemang ibinulgar ni retired Lt. Col. George Rabusa.

Aniya, wasto lang na sibilyan ang hahawak ng posisyon dahil hindi naman kaugnay sa trabaho
ng sundalo ang pagbabadyet at paghawak ng salapi. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply