AFP comptroller gagawin ng sibilyan

INIHAIN na ni Parañaque Rep. Roilo Golez ang panukalang sibilyan na lamang ang gawing comptroller ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang Bill No. 4194 ay inihain ng mambabatas na nagsusulong na lumikha na gawain ng sibilyan ang Office of the Comptroller ng AFP.

Sa ganitong paraan ayon sa mambabatas ay makakapag-focus na rin sa kanyang gampanin ang isang sundalo lalo pa sa pagpapalakas ng pambansang depensa sa halip na matuon ang pansin sa “budgeting and financial accounting.”

Naniniwala rin si Golez na ang trabahong ito na humawak at mag-budget ay isang civilian career at sa ganitong paraan ay masasawata rin ang korapsyon sa AFP.

Ang panukalang ito ay isinulong ni Golez upang tuwiran nang maiwasan ang pagkakasangkot ng AFP officials sa anomalya sa Sandatahang Lakas ng bansa na aniya’y nagpapahina sa institusyon. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply