AFP general na sangkot sa pabaon kay Garcia, may P207M forfeiture case

NABULGAR sa ang P207 milyong forfeiture case laban sa isang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sangkot sa paghahatid ng P100 milyon monthly payola at P50 milyon pabaon kay dating DND chief Angelo Reyes sa pagpapatuloy ng Senate inquiry, Huwebes, Pebrero 3 .

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa katiwalian sa AFP, nasukol ni Sen. Teofisto Guingona III si dating Lt. Gen. Jacinto Ligot na may nakabinbin na kasong pagbawi sa ‘di maipaliwanag na yaman na umaabot sa P207 milyon.

Ayon kay Guingona na sinuportahan ni Sen. Alan Peter Cayetano, hindi maalala ni Ligot na nagdadala sila ng bulto-bultong salapi kay Reyes, ngunit mayroon siyang kasong unexplained wealth na nakasampa sa Office of the Ombudsman.

Sinabi naman ni Cayetano na maraming bank account na nasa ilalim ng pangalan ni Ligot, pinsan ng asawa nito at kaibigan ang natuklasan ng Office of the Ombudsman kaya hindi maaaring “hindi maalala” ng dating heneral ang bulto-bultong salaping dinadala kay Reyes.

Nauna nang itinatanggi ni Ligot na kakilala niya ang isang Gilda Yambao Alfonso Velasquez na respondent sa kasong forfeiture case laban sa naturang heneral.

Ngunit, bigla siyang nasukol ni Guingona nang banggitin nito ang kasong nakasampa sa Office of the Ombudsman partikular ang P135 milyon forfeiture case noong 2006 at P72 milyon pa noong 2005.

Itinanggi rin ni Ligot na pag-aari niya ang account nina Alfonso at isang Laurel Yambao na iniimbestigahan ng Ombudsman.

Isa si Ligot na kakasuhan ng contempt ng Senado kung patuloy na hindi tuwirang tutugon sa mga tanong ng miyembro ng Blue Ribbon Committee. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply