AFP hindi maapektuhan ng fund mess controversy

TINIYAK kahapon ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na hinding hindi maapektuhan ng  umuugong na isyu hinggil sa multi-million fund mess controversy ang paglilingkod ng 120,000 strong armed forces.

Ito ay kasabay ng panawagan ng ilang sektor na tuluyan ng buwagin ang Philippine Military Academy (PMA) na siyang pinagkukunan ng mayorya ng mga military at police officers dahil sa umano’y umiiral na sabwatan ng ilang magkaka-mistah sa katiwalian.

Panahon na umano para buwagin ang PMA  dahil s apagkakasangkot sa graft and corruption at iba pang katiwalian na kinasasangkutan ng sabwatan ng ilang mga graduates  at pinagtatakpan din ng kanilang mga kapatid sa academy dahil na rin sa namumuong bonding sa hanay ng graduates nito.

Ayon kay AFP Spokesman Brigadier Gen. Jose Mabanta na isang produkto rin ng PMA na hindi makatwiran ang nasabing panawagan dahil hindi naman lahat ng mga nagsipagtapos sa PMA ay tiwali at karamihan sa mga ito ay tapat sa sinumpaang tungkulin sukdulang ibuwis ang kanilang buhay. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply