Agarang pagbasa ng sakdal vs Ampatuan inihirit

INIHIRIT ng mga pribadong prosecutor sa Maguindanao massacre ang agarang pagbasa ng sakdal laban kay Ampatuan clan patriarch Andal, Sr., matapos ibasura ng Court of Appeals ang petisyon na pag-aralang muli ang kasong kriminal na inihain laban sa kanya, iniulat Miyerkules Pebrero 3.

Reaksyon ito ng prosekusyon sa ipinalabas na 27-pahinang desisyon ng CA 11th Division kamakalawa na nagsasabing hindi maaaring takasan ni Andal Sr., ang paglilitis kaugnay sa pagkakapaslang sa 57 katao sa Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.

Ayon sa CA, hindi inabuso ng Department of Justice ang kapangyarihan nito sa ipinalabas na resolusyon noong Abril 16, 2010 at Mayo 5, 2010 na nagtulak sa pagsasampa ng kasong multiple murder laban kay Andal Sr.

Kinumpirma ni Roque na hihingin ng mga private prosecutor sa mga abogado ng pamahalaan na gumawa ng hakbang para mabasahan na ng sakdal si Andal Sr., sa lalong madaling panahon.

Sa hiwalay namang panayam habang pansamantalang itinigil ang paglilitis sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 221, inihayag ni Atty. Nena Santos, isa sa mga abogado ng prosekusyon, ang malugod nitong pagtanggap sa desisyon ng appellate court.

Umaasa si Santos na tutularan ng ibang dibisyon ng CA na may hawak sa kahalintulad na petisyong inihain ng ibang miyembro ng angkan ng mga Ampatuan ang pagresolba ng 11th Division sa kahilingan ni Andal, Sr.

Nababahala naman si Roque sa patuloy na pagkakaantala ng resolusyon sa nakabimbing petisyon ni Zaldy Ampatuan na muli ring pag-aralan ang kaso laban sa kanya. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply