Agojo lalong bumabangis sa Murcia event

LALO pang bumabangis si Jayvie Agojo matapos itong magpasabog ng malutong na two-under-par 68 na nagkakahalaga ng 56 points sa Molave system kaya umunat ang kalamangan niya hanggang apat laban kay Chihiro Ikeda sa championship division ng 48th Southern Ladies Golf Championship sa Golf and Country Club Binitin course sa Murcia, Bacolod.

Nabatid na napantayan sana ni Dottie Ardina, ang defending champion, ang 56 ni Agojo ngunit naghahabol pa rin ito sa six shots.

Nakuha ni Agojo ang advantage dahil na rin sa magandang panahon kahit na may humahampas na hangin matapos siyang makadale ng bogey-free round na pinalamutian ng birdies sa third at sixth, na naukit niya mula sa 35 feet.

Habang isinusulat ito, hawak niya ang kabuuang 112 sa kanyang pagtatangkang makuha ang second title niya sa 54-hole championship.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply