Ai-Ai de las Alas may idini-date na guwapo, batang modelo

WINNER si Ai-Ai delas Alas dahil sa larawan  pa lang ay hawig kina Shintaro Valdez, Troy Montero ang bagong lalaking nali-link sa kanya.Nagkakilala raw sila sa isang  sosyal na bar.

May kaya raw ito sa buhay at katatapos lang gumawa ng isang commercial sa tv.

“Hindi niya alam na artista ako. Hindi niya alam na best actress ako. Pero kasi siyempre, nagtitinginan ‘yung mga tao sa bar. Na-curious siya, ‘Sino bang tinitingnan n’yo?’

“Pagkakita niya sa akin, ‘Diyos ko, ‘yan lang ba? Gandaah!’ Parang gano’n! Ha! Ha! Ha! ‘Hindi naman kagandahan, pinagkakaguluhan n’yo? Sino ba ‘yan?’ Gano’n,” pahayag ni Ai

“Tapos, nag-meet kami. Nakilala ko na siya. Guwapo siya!,” kinikilig pang dagdag ni Ai sa isang interbyu sa Zirkoh, Morato nu’ng Monday (Pebrero 7) night.

Isang buwan na raw silang magkakilala ng guwapong modelo. Nasa stage pa lang daw sila na getting to know each other. Pero posibleng lumalim.

Aminado  si Ai-Ai na masaya siya  sa darating na Valentine’s Day.

“Happy flower! Ha! Ha! Ha,” aniya pa.

Sey pa ng comedy actress,  five times  na silang nag-date ng  guwapong model at ito ang  taya sa mga date nila.

“Mi Amore” ang tawag  ng guwapong  model kay Ai-Ai. “Babe” naman ang tawag niya dito.

Ipinagmamalaki pa ng aktres na walang sabit  at masasagasaan kung sakaling matuloy sa malalim  relasyon ang lahat.

So, klarong-klaro na mali ang ibinibintang ni Candy Pangilinan kina Direk GB Sampedro  at Ai-Ai. Isang Italian-Colombian model na 26 years old ang bagong umaali-aligid kay  Ms Ai. Siya ang ka-date ng comedienne sa Feb. 14 at dadaanan siya after ng  show niya saZirkoh Comedy Bar entitled “Ai Luv It..143 for all” kasama ang wackiest duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

****

DJ Mo mawawala sa ‘Willing-Willie’

PANSAMANTALANG mawawala si DJ Mo sa “Willing Willie” ng TV5.

“It was my decision to leave for now,”sey niya sa Twitter. Kinumpirma rin ni Willie sa  sarili niyang show ang pag-alis ni DJ Mo.

“Willie (Revillame) just announced that I’m leaving Willing Willie, I’m just swamped & always calling in sick. It’s unfair to everyone who comes in everyday.

“Willie did say I was gonna be here forever, but was my decision coz weekdays are just too full for me. It was my decision to leave for now.”

Nakausap din namin ang business unit head ng Will Productions na si Jay Montelibano. Health problem ang dahilan ng pamamalaam ni DJ Mo.

Pero anytime na gusto niyang bumalik ay bukas  sa kanya ang show. Araw-araw kasi na nagra-radyo na siya, may “Juicy” pa tapos may “Willing Willie”. Pag Sunday naman ay may “Paparazzi”.

“Sa kotse  na nga natutulog ‘yan at ginigising na lang pag-start na ang “Willing Willie”,” sey pa ni Sir Jay.

As of presstime, hindi pa nila alam kung sino ang ipapalit kay DJ Mo sa Willing Willie na napapanood sa TV5.

****

TATLONG indie movies na ang natapos ni Snooky Serna sa tulong ng bago niyang  manager na si Anthony Hernandez.  Lahat ay pumupuri sa kanya dahil hindi siya nagpa-late at nagbigay ng sakit ng ulo.

Bakit nagpalit siya ng manager? “New life.New approach.Bagong tao na magtitiwala sa akin. Walang halong bad vibes sa akin. Hindi pa nadadala,” sambit niya nang makatsikahan namin siya sa grand premiere ng pinagbibidahan niyang pelikula na “The Road To Ampatuan” sa Cabanatuan City under sa direksyon ni Jigz Recto.

Marami ang hindi makapaniwala na  nagbago na ang isang Snooky Serna at very professional na.

“Mabait naman ako. Ako ay nagrerebelde lang pag may nakikita akong mali,” deklara niya.

“They treat me with respect naman and professional.Kumbaga love
begets love,” aniya.

“At 44, kailangan naman siguro nag-mature ka na talaga at hindi lang sa salita. Forever na itong pagbabago na ito. I’m not getting younger, di ba kapatid?,” sambit pa  ni Cookie.

Tungkol naman sa lovelife ni Snooky. Six months na raw siyang hiwalay sa negosyante niyang boyfriend.“Very much single,” saad niya.

Paano ang Valentine’s Day niya? “E,di sa  mga anak. Sila ang kasama ko. Tama muna ang love sa ibang tao. Mahalin ko muna ang sarili ko at mga anak ko. Focus muna ako sa career,” aniya.
Kuwento  rin ni Snooky may feeler  sa kanila na gusto silang makausap ni Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu tungkol  sa pelikulang “The Road To Ampatuan” at gusto raw nitong mapanood.

Paano kung ligawan siya ni Gov? “E, di magiging Mrs. Mangudadatu ako. I’m just kidding,”pabirong sagot ni Snooky sabay tawanan.

“Masyado pang maaga. Ayaw ko muna ma-inlove  ulit. Minsan ‘yan ang nagiging downfall ng career,” sambit pa niya.Talbog! Roldan Castro

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply