AIR21 exec inareglo ng team owner

KAYA umano hindi na natuloy ang sinasabing balak na pagkalas ni Air21 board governor Johann Ramos dahil inareglo na ito ng may-ari ng koponan.

Si Ramos ay una nang napaulat na nag-resign bilang gobernador ng grupo sa Philippine Basketball Association.

Pumalag naman agad si Air21 team owner Bert Lina sa pagsasabing walang katotohanan ang nabanggit na ulat.

“Hindi totoo ‘yan,” pahayag ni Lina hinggil sa ulat na wala na sa kanilang grupo si Ramos.

“I will be the one who will make the announcement if he will stay or not, so if you got that from a text message or somebody else, then that’s not true. Right now, status quo pa rin tayo with Johann,” dagdag pang pahayag ni Lina.

Subalit sinabi ng mga sources na inayos na umano ni Lina si Ramos dahilan upang hindi na natuloy ang balak na ito.

“Ang balita ay inayos na siya (Ramos) kaya hindi na natuloy,” wika ng isang source. “Parang may demand yata si Ramos at ‘di maayos ni Lina pero okey na raw sila.”

Lumabas ang mga espekulasyon dahil na rin sa paglutang ng balak na pag-trade ng kanilang top three rookie picks ngayong season —sina Noy Baclao, Rabeh Al-Hussaini at Rey Guevarra —kapalit nina San Miguel Beermen veteran players Danny Seigle at Mick Pennisi gayundin si Joseph Yeo.

Samantala, inihayag ng isang league official na nakarating na sa PBA Commissioner’s Office ang trade offer na nilagdaan pareho ng kampo ng Express at Beermen kung saan sentro nga ng usapan si Air21 top pick Baclao. GP

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply