Airport tourist drivers sumailalim sa drug test

SUMAILALIM sa drug testing Lunes, Pebrero 28, ang mga airport tourist drivers kaugnay sa paglilinis ng Manila International Airport Authority ng mga kawaning sugapa sa droga.

Sa memorandum agreement na nilagdaan nina airport manager Jose Angel Honrado at Airport Transport Concessionaires Association Inc. president Romy Sayaman, nagpasya ang mga ito na dumaan sa drug testing ang mga tourist driver na may bilang na 6,000 para matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong tumatangkilik sa airport-accredited public transport.

Kabilang sa dumaan sa drug testing na pinamahalaan ng MIAA ang grupo ng mga driver sa coupon taxi, rent a car at yellow taxi sa tatlong international terminals at sa Manila Domestic Airport.

Lahat ng driver na kasapi ng Atcai na positibo sa paggamit ng droga ay may katapat na kaparusahang suspensiyon o pagkatanggal sa trabaho.

Suportado naman ito ni Honrado para mabigyan ng kalidad ang land transport services sa NAIA at para mailayo sa kapahamakan ang mga pasaherong tumatangkilik sa bawat sasakyan ng NAIA. Benny Antiporda

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply