Akusasyon vs Cimatu itinanggi

MARIING pinabulaanan ni Special Envoy to the Middle East Roy Cimatu ang mga bintang na sangkot ito sa iregularidad habang siya ay chief of staff ng Armed Forces of the Philippines.

Ginawa ni Cimatu ang pahayag ilang minuto makaraang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport noong Martes ng gabi mula sa Afghanistan.

Sinabi nito na wala siyang ginamit na pondo ng military para lang sa personal na pangangailangan.

Ang dating heneral kasama ang dalawa pang dating chiefs of staff na sina Angelo Reyes at Diomedio Villanueva ay isinangkot ni dating Lt. Col. George Rabusa sa Senate inquiry na tumanggap ng malaking pondo mula sa militar.

Tiniyak rin ni Cimatu na nakahanda siyang humarap sa alinmang imbestigasyon para linisin ang kanyang pangalan at mabigyang linaw ang usapin.

Sa pagdinig ng Senado, isiniwalat ni dating military budget officer George Rabusa na tumanggap umano si Cimatu ng P80M na “pabaon” sa kanyang pagreretiro.

Nabatid na papunta sana ng Egypt si Cimatu mula sa pag-ikot nito sa Lebanon at Afghanistan para i-assess ang sitwasyon sa Cairo kung saan isang malawakang protesta ang isinagawa laban sa tatlong dekadang panunungkulan ni President Mubarak.

Habang nasa Afghanistan, nalaman na lang umano niya na tinawagan siya ng Department of Foreign Affairs at pinababalik na ng Manila.-Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply