Albert del Rosario bagong Foreign Affairs secretary

ITINALAGA na bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) si dating Philippine ambassador to Washington Albert Del Rosario.

Bago ang panunumpa ng opisyal ay nakita siyang kasama ni Pangulong Benigno Aquino sa pagharap ng punong ehekutibo sa mga miyembro ng Malacañang Press Corp., para magbigay ng update sa sitwasyon ng mga kababayan sa bansang Libya.

Maalala na simula pa noong nakaraang linggo ay sumailalim na sa indefinite leave of absence sa DFA si Sec. Alberto Romulo, kung saan itinalaga naman nitong officer in charge si Foreign Affairs Usec. Erlinda Basilio bilang acting DFA chief.

Batay sa mga unang reports, inaasahan na itatalaga ng Malacañang si Romulo bilang chief of the Philippine Permanent Mission to the United Nations sa New York.

Si Del Rosario ay isa sa mga tinuturing na close adviser ng Pangulong Aquino III. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply