Allowance ni Wesley So aabot sa P2-M, ‘palakasan’ sa PSC, tinuligsa

TINULIGSA kahapon ng National Sports Associations (NSAs) ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa ‘palakasan system’ umano na umiiral sa ahensya.

Binanggit ng mga sources ang sinasabing hindi patas na pagluluwal ng PSC ng pondo sa mga NSAs.

Nagtataka ang mga kritiko kung bakit nade-delay rin ang kanilang pondo gayung updated naman umano kung magbigay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Nabalitaan na rin umano ng PAGCOR ang hindi magandang feedback sa PSC na nagiging dahilan upang mabawasan ito ng pondo.

Napag-alaman na mula P45 milyon ay umabot na lamang sa P39 milyon ang pondong nakuha ng ahensya sa nasabing gaming firm para sa buwan ng Enero.

Samantala, natuklasan pa na kung minsan ay naglalaan din umano ang Bureau of Customs (BOC) ng tulong pinansiyal sa PSC para sa mga atleta ngunit hindi malaman kung saan ito napupunta, ayon sa isang source.

“Ang parang binabanggit ay kapos sa pondo, pero kung ‘yung malakas sa kanila ang hihingi ay mabilis pa sa kidlat ang pagluluwal,” pagsisiwalat pa ng source.

“Dapat sibakin ang nasa accounting ng PSC kasi iba daw ang tinitingnan sa tinititigan nila. Hindi sila patas sa NSAs, nakakabuwisit.”

Kabilang sa mga reklamo ng NSAs ay ang pagkakaipit ng pondo nila na hanggang ngayon ay hindi maipaliwanag umano ng sports commission.

Inihihimutok din ng ilang sources ang patuloy na palakasan system sa ahensya at ang madalas na binibigyan ng pabor ay ang mga taong sikat.

Inihalimbawa ng source ang malaking pondong ibinibigay ng Philippine sports kay chess Grandmaster Wesley So.

Ayon sa source, tumanggap diumano si So ng mula P1 hanggang P2 million sa terms ng allowance at international exposure.

Sinisikap ng Remate Sports na makuha ang panig ng mga nasasangkot na kampo ngunit hindi sila makontak.

Nabatid na ayaw ng mga NSAs ang nasabing plano kung saan pawang mga elite athletes ang nabibigyan ng pansin o pabor lalo na ang mga sasalang umano sa 2012 Olympic Games.

“Problema rin ng PSC ang ‘di pagpayag ng ilang NSAs sa planong  inilalatag ng ahensya,” pagbubunyag ng source. “Gusto ng ilang NSAs na sila na ang bahalang maghahati-hati ng pondo nila para sa mga atleta.” Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply