Alternatibong ruta para sa selebrasyon ng EDSA 1 inilatag

INANUNSYO na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga alternatibong ruta ng mga motorista na dadaan sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) kaugnay sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng EDSA-1 People Power Revolution.

Sa ipinalabas ng anunsyo ng MMDA, ang bahagi ng  24-kilometro ng highway ay pansamantalang isasara sa trapiko para sa selebrasyon.

Nilinaw ng MMDA na ang pagsasara sa trapiko ay magsisimula sa Service Road sa kahabaan ng  EDSA sa  dulo ng  Ortigas Avenue northbound.

Samantala ang dalawang linya mula EDSA-Ortigas flyover iniulat na madaraanan pa hanggang Aguinaldo Gate. Kaya ang mga motorista ay pinaalalahanan na gamitin ang alternatibong ruta sa darating na Pebrero 24, 2011.

Ayon sa MMDA, bahagi ng Ortigas Avenue hanggan Santolan (northbound) ay isasara sa trapiko mula 12:01 ng umaga hanggang 6 ng gabi at ganap na ipipinid mula 6 ng umaga hanggang 9 ng umaga kinabukasan.

Pinapayuhan ang mga motorista na daraan sa EDSA northbound na kumanan sa MacKinley Toad patungong C5, puwede rin dumaan pakanan sa Kalayaan Avuenue papasok ng C5 hanggang makarating sa kanilang estinasyon.

Kaugnay nito ang Estrella/Pantaleon Bridge ay binuksan sa trapiko at maaaring dumaan ditto ang manggagaling sa Rockwell flyover at kumaliwa sa Estrella.

Maaari rin daanan kung kakanan ang JP Rizal Avenue patungong C5 o sa Shaw Boulevard papunta ng C5, maaari rin gamitin ang J.Varga Avenue, Ortigas Avenue hanggang C5.

Kung manggaling naman ang motorista na kakaliwa sa Greenhills patungong EDSA kailangan umanong dumaan sa Ortigas Avenue gayun din ang mga motorista na kumakanan sa Meralco Avenue, kailangan din dumeretso sa Greenhills hanggang makarating sa kanilang paroroonan.

Ang anunsyo ay inilabas ng MMDA para sa kapanan ng mga motorista upang mabigyan ng sapat na kaalaman bilang giya sa kanilang paroroonan. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply