Amethyst II inangkin ni Cheese Mosa

PUMABOR kay Cheese Mosa ang haba ng distansya matapos rumemate at manalo sa naganap na 2011 Philracom Amethyst II race sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite Sabado ng hapon.

Nasa pang limang puwesto ang liyamadong si Cheese Mosa sakay ang hineteng si class B rider John B. Cordero ng lundagin nina Constatic at Immaculate ang unahan sa largahan.

“Pinanood ko muna silang naglulutsahan tutal mahaba naman ang distansya.” saad ni Cordero.

Papasok ng far turn ay nag-umpisa nang lumapit si Cheese Mosa sa unahan habang sinabayan naman siya ni Ikaw Ha Ikaw Ha na bumulusok galing sa hulihan.

“Akala ko si Ikaw Ha Ikaw Ha ang makakalaban ko sa rekta pero nung makita ko na bumuka siya ng five wide sabi ko si Immaculate ang magiging kalaban sa rektahan.” paliwanag ni Cordero.

Sa huling 100 metro ng laban ay nagkapanabayan na sina Cheese Mosa at Immaculate kung saan ay nanaig ang una ng may kalahating kabayo ang lamang sa huli.

Nakopo ni Cheese Mosa ang halagang P300,000 habang P112,500 ang naiuwi ni Immaculate na sumegundo sa laban.

Nakapagtala ng 1.43 sa distansyang 1,600 meter race si Cheese Mosa.

Nakatanggap din ng P62,500 si Ikaw Ha Ikaw at P25,000 naman si Constatic para sa third at fourth placers ayon sa pagkakasunod sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM). Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply