Amethyst II lalarga sa pista ng Sta. Ana

TINANGHAL na kampeon sa Amethyst I si Yes Pogi noong Linggo ng hapon na ginanap sa San Lazaro at sa darating na Sabado sa pista naman ng Sta. Ana sa Naic, Cavite ay ilalarga ang 2011 Philracom Amethyst II.

Walo ang nagpahayag ng pagsali sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) kung saan ay P300,000 ang makokopo ng mananalong kabayo.

Nangunguna sa listahan ng mga nagpatala ay ang kabayo ni businessman Hermie S. Esguerra na sina Divisoria at Herran habang ang iba ay sina Constatic, Immaculate, Homerun Queen, Cheese Mosa, Gandang Pinay at Ikaw Ha Ikaw Ha.

May matatanggap din na P112,500 para sa second placer, P62,500 at P25,000 ang maiuuwi ng third at fourth placer ayon sa pagkakasunod. Ang distansya ay 1,600 meter race.

Samantala, mag-aagawan sa halagang P20,000 ang 10 kabayo sa gaganaping Three-year-old Conditions A-1-2 bukas, araw ng Miyerkules.

Inaasahang bebenta sa takilya sina Arvindugo at couple entry nitong si Dugo’s Paramour dahil sila ang napipisil ng mga karera tipster na pang-primera sa programa ng karera.

Ang event ay handog din ng Philracom kung saan ay 1,300 meter race ang distansya.

Ang ibang nagbabalak na masungkit ang added prize ay sina Oroquieta, Sir Ferdinand, Desperado, Olajuwon, Yes Papa, Benny Good Man, Airway at Prince Isiah. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply