Amusement tax nilalabag ng LGUs

MAY ilang local government unit ang lumalabag sa 10% amusement tax rate ceiling.

Ito ang nabunyag sa patuloy na pagdinig ng House ways and means committee na pinamumunuan ni Batangas Rep. Hermilando Mandanas kung saan ito ang  pangunahing inireklamo ng mga opisyal ng film and music industries sa Kamara.

Sinabi ni Leo Martinez, director-general ng Film Academy of the Philippines, na hindi maramdaman ng inudstriya ang benepisyong dulot ng batas na pagbabawas sa amusement tax mula 30-percent ay ginawa na lamang itong 10 porciento.

“The problem is that the reduction is not implemented fully. Some LGUs say an enabling ordinance is needed to implement the reduction,” ayon pa kay Martinez.

Hindi naman binanggit ni Martinez kung ananong lungsod at munisipalidad ang hindi nagbabayad ng amusement tax.

Ayon naman kay Stela Montejo, Department of Finance director for fiscal policy na walang legal na basehan ang mga LGU para ipatupad ang mahigit pa sa 10 porcientong amusement tax sa pagsasabing “nothing can be above the law. Affected producers can always take up the issue with the Department of Interior and Local Government which is part of the executive.”

Kinondena naman ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang mga LGU sa pagsasabing “LGUs were abusing their discretion when they asked producers to donate to their favorite charity organizations in lieu of paying the amusement tax.” Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply