Julaton wagi via unanimous decision kontra Alcanter

NAPANATILI ni Ana ‘The Hurricane’ Julaton (8-2-1) ang korona bilang WBO at IBA super bantamweight champion matapos talunin si Franchesca Alcanter (18-10-1 9 KOs) via unanimous decision sa kanilang laban sa Craneway Pavillion, Point Richmond, California kahapon.

Naging kontrolado ni Julaton ang buong laban kay Alcanter batay sa score cards ng tatlong hurado na 96-94, 98-92, 97-93 lahat pabor sa Filipina-American boxer.

Ito ang unang laban ng Fil-Am ngayong taon matapos ang kanyang record noong nakaraang taon na “one win-one loss.”

Matatandaang matapos matalo ni Julaton sa championship bout laban kay Lisa Brown noong March 2010, nagdesisyon si Julaton na kumalas kay Nonito Donaire, Sr. at muling kinuha ang serbisyo ng sikat na trainer ni Manny Pacquiao na si Freddie Roach.

“I’d like to think I’m learning things; I’ve been lucky to work with Freddie Roach and people who’ve helped me get in great shape, get the right body for boxing,” ani Julaton. “It’s not for me to say I’m getting better or a lot better or anything like that, but I can say I’ve been working hard to learn and make sure my physical training and nutrition are the best they can be.”

Ang tinalo ni Julaton na si Alcanter ay hindi rin basta basta sa dahilang beterana na ito sa 31 mga laban.

Kabilang sa matitinding naging kalaban ni Alcanter ay si dating world champions Mia St. John (ex-Playboy playmate), Mary Ortega, at Ina Menzer.

Kung pagbabasehan sa knockout rates, si Alcanter ay lamang dahil sa record na 50 percent kumpara sa Pinay na nasa 14 percent.

Gayunman sa edad na 38-anyos, masasabing nalalapit na rin itong magtapos sa kanyang boxing career. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply