Anak may sakit, ginang nagpakamatay

PATAY ang 35-anyos na ginang matapos hindi makayanan ang problema sa buhay na sinabayan pa ng pagkakaospital ng anak na may pneumonia sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay P/Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-homicide section, alas-7 ng gabi nang madiskubreng patay si Hyacinth Hermoso, ng 559 Vicente G. Cruz st. Sampaloc, Maynila, iniulat Biyernes, Pebrero 25.

Sa report ni  PO3 Mario Asilo, bago ang pagpapatiwakal ng biktima ay ibinilin pa nito ang anak na nasa Ospital ng Sampaloc sa isang kaibigan para kumuha ng pambayad sa pagamutan.

Ngunit ilang oras pa ay hindi nakabalik ng ospital ang ginang na natagpuang patay na matapos uminom ng silver cleaner.

Hinala ng pulisya na hindi ba nakayanan ng ginang ang problema kaya minabuti na lamang nitong wakasan ang sariling buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply