Ang alamat ng Araw ng mga Puso

LOVE is really in the air. Simula pa lang nitong nagdaang araw ay unti-unti nang nararamdaman ang simoy ng Valentine’s Day.

Dagsa na rin ang mga tao sa bilihan ng mga bulaklak gaya ng Dangwa at Divisoria, mga malls, kahit saan ay makikita ang mga tao na bumibili ng pangregalo para sa kanila ka-Valentine.

Kahit mga hotels, motels ay nagbigay ng diskwento para sa publiko lalo na yung tumutungo sa ganitong lugar tuwing Araw ng mga Puso.

Ilang grupo na rin ang namigay ng libre ng mga condom sa publiko sa kabila ng mariing pagtutol dito ng Simbahang Katoliko.

Kanya-kanya na ng pakulo ang couples. May nagbibigay ng cards, chocolate, cake, candies at kung anu-ano pa.

Dagsa na rin ang tao sa mga mura at mamahaling restawran. Lahat na yata ng idea ay naisip na ng tao para gunitain ang Araw ng mga Puso.

Pero alam ba kung saan nag-ugat ang Valentine’s Day?

Ang Valentine’s Day ang most celebrated day hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang parte ng mundo pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon.

Sa kabila ng romantic mood ng Araw ng mga Puso ay alam ba ninyo na nababalot ng misteryo ang pinagmulan ng araw na ito? Maging ang Patron saint nito na si St. Valentine ay isa ring misteryo.

Sino nga ba si St. Valentine at paano nagsimula ang Valentine’s Day?

Ang Araw ng mga Puso ay associated sa Roman at Christian tradition noon pa mang unang panahon.

Sa ngayon,kinikilala ng Simbahang katoliko si St. Valentine bilang santo ng Araw ng mga Puso.

Ang alamat ni St.  Valentine ay nag-ugat noong third century sa Roma. At si Valentine ay isang pari.

Noong panahong iyon si Emperor Claudius II ay gumawa ng batas na gawing sundalo ang mga single na kalalakihan. Ayon sa kanya mas mainam na gawin iyon dahil ang mga ito ay wala pang asawa’t pamilya.

Ipinag-utos niya na bawal munang magpakasal ang mga kalalakihang single at habang bata pa dapat na maging sundalo para sa emperyo.

Ang utos na ito ay mariing tinutulan ng paring si Valentine. Sa kanyang palagay ay hindi ito makatarungan.

Dahil tutol siya sa gingawang ito ng emperor ay lihim niyang ikinakasal ang young lovers. Nais niyang ikasal ang mga ito dahil nagmamahalan ang mga ito.

Sa kasamaang palad ay nalaman ng emperor ang pagkakasal ni Valentine sa mga batang kalalakihan na taliwas sa kanyang ipinag-utos. Ito ang dahilan para ipaaresto niya sa Valentine at ipapatay.

Ayon pa sa isang alamat ay noong panahong nakulong si Valentine nakilala niya at na-in-love siya sa isang dilag na anak ng kanyang jailguards. Hindi nalaman ng mga nagsaliksik sa origin ng Valentine’s Day kung sino ang babae.

Dito umano nagsimula ang kauna-unahang Valentine’s letter nang gamitin ni Valentine ang mga katagang “From your Valentine” sa kanyang liham sa nasabing babae bago siya ipapatay.

Ang nasabing ekspresyong ito ay ginagamit magpasahanggang ngayon.

Kung tutuusin ay tragic ang istorya ni Valentine ngunit mas in-emphasize ang kanyang papaging simpatiko, ang kanyang pagiging heroic nang ikasal niya ng lihim ang mga young lover kahit pa ipinagbawal ito ng emperor.

Higit sa lahat ang kanyang pagiging romantiko ng ma-inlove siya sa panahong siya ay nakulong.

Di na nakagugulat na sikat na sikat ang Valentines Day noong Middle Ages sa Inglatera at Pransya. Sa panahong ito ay maingat ang mga tao sa papaparamdam ng kanilang saloobin.

May mga naniniwala na noong Middle Ages ay ipnagdiriwang na ang Valentine’s Day tuwing kalagitnaan ng Pebrero. Ito ay upang gunitain ang kamatayan ni Valentine noong 270 A. D.

Mayroon ding ilang nagsasabi na ginunita ng mga Christian ang Valentine’s Day upang “i-Christianize” ang pagdiriwang.

At noong 489 A.D ay itinalaga ni Pope Galasius ang Pebrero 14 bilang Valentine’s Day.

Pinaniniwalaan din na tuwing Pebrero 14 ay panahon ng ‘birds’ mating”. Ito ang ideya na nakadagdag para gunitain ang Pebrero 14 bilang romantic na araw.

Samantala,nag-e-exist pa rin ang pinakamatandang Valentine poem? Ito ay ginawa ni Charles Duke of Orleans para sa kanyang asawa nang mahuli siya sa Battle of Agin court.

Ito ay pinaniniwalaang ginawa noong 1415. Ito ay kasama sa manuscript collection ng British Library sa London, England.

Pinaniniwalaan din na umuupa si King Henry V ng magaling na writer upang magpagawa ng Valentine note para kay Catherine of Valois.

Sumikat naman ang Valentine’s day sa Great Britain sa pagitan ng 17th century at kalagitnaan ng 18th century.

Naging common noong panahon na iyon ang pagpapalitan ng regalo ng mga magkakaibigan at magsising-irog sa lahat ng social classes.

Nang mag-improve ang printing industry noong katapusan ng 18th century ay nauso na ang printed cards bilang pamalit sa hand-written cards.

Noong panahong iyon ay mura lang din ang bayad sa pagpapadala ng Valentine’s card kaya naman marami ang nagpapadala ng card para sa kanilang minamahal. Dahil sa mura ang pagpapadala ay lalong sumikat ang Valentine’s card.

Sa Estados Unidos naman ay nagsimulang magpalitan ng Valentine’s card noong 1700s. At noong 1840s si Ether A. Howland ang nagsimulang magbenta ng unang “mass-produced” Valentine’s card sa Amerika na kagaya ng mga nabibili ngayon sa mga bookstore.

****

Greetings Card Association

Ayon sa Greeting Card Association (GCA) ang Valentine’s Day ang second largest card sending holiday sa taon pagkatapos ng Pasko na itinuturing na largest and most popular card sending holiday sa mundo.

Base sa GCA, ang estimated na Valentine cards na ipinapadala kada taon sa iba’t ibang parte ng mundo ay umaabot sa isang bilyon at 85 % nito ay babae ang bumibili. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply