Ang mga askal ng DILG pasugalan ang inaamoy

WALANG tigil sa panghuhuli sa mga iligal na pasugalan at iba pang vices ang bagong tatag na ahensiya ni DILG Sec. Jesse Robredo na manghuli sa mga iligal na pasugalan sa buong Metro Manila.

Ultimo ang mga sugal -lupa ay hindi pinalalampas ng grupo ng Special Project (SPG-DILG) na pinamunuan ng isang Maj. Castil. Walang ginagawa ang grupo ni Major Castil kundi ang manghuli ng mga iligal na pasugalan na di nakatimbre sa kanilang unit.

Ang mga “asong” ginagamit ni Castil sa kanyang unit ay sina Erick Santiago alyas Insp. Baltazar at Jake Duling.

Walang ginawa  ang grupo ng SPG-DILG kundi ang manghuli ng mga pasugalan na alam nilang pagkakaperahan ng kanilang grupo. Ang modus-operandi ng grupo ng SPG-DILG ay mambulabog at manghuli ng mga sugalang hindi naka-timbre sa kanila.

Sa halip na paigtingin ang kampanya ni Robredo na pagpuksa sa mga iligal na pasugalan, ang panghihingi ng lingguhang intelihensiya ang inaatupag ng grupo. Hindi nga lang natin alam kung may kinalaman si Sec. Robredo sa mga ginagawa ng kanyang mga tauhan.

P12.9 B hydropower proj pirmado na

Pinangunahan ni Exec. Sec. Paquito Ochoa ang pagpirma sa memorandum  of Agreement (MOA) sa pagpapagawa ng P12.9B hydropower at patubig sa Isabela na may 100 megawatts na kuryente at magpapatubig sa 41,700 ektaryang bukirin para sa sapat na pagkain.

Magkakakuryente ang mga bayan ng Ilaguen, San Agustin at Tumauini at mapatutubigan ang mga bayan sa Isabela. “Hindi lamang maganda ang proyektong  ito  kundi pati Public-Private Partnerships na inilunsad ng Pangulo at ng administrasyon,” sabi ni Ochoa.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com
Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply