Angel Locsin type ng Azkals player na si Younghusband

SA PAMAMAGITAN ng Twitter ay ipinaabot ni Philip James Placer “Phil” Younghusband, isang Azkals ang kanyang pagkagusto sa sikat na aktres na si Angel Locsin.

Sa Twitter account ng football player ay inaya niya ang bida hg “Imortal” na lumabas sa Valentine’s Day.

“Hi Angel! This is Phil. How are you? I was just wondering if you are free for Valentines day?” nakasaad sa kanyang Twitter account.

Subalit, sa pamamagitan din ng Twitter account ng aktres ay tumanggi ang dalaga dahil na rin sa puno ang kanyang schedule sa mga susunod na araw.

“Hi! This is Angel Congrats on your win last night (laban sa Mongolia noong Pebrero 9).! Tnx for the invite but I have work on valentines. Let’s try another day,” tugon ng aktres.

Anang aktres ang dami niyang commitment kaya sa ngayon ay hindi niya mapagbibigyan ang manlalaro at sinabing pwede naman silang lumabas sa ibang araw.

Bukod dito ay Inamin din ng player na crush niya si KC Cocepcion at no hard feelings naman siya kung may boyfriend na ito ngayon. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply