Angelica Panganiban dedma sa isyu ng nude photo scandal

HINDI na nga pinapatulan ni Angelica Panganiban ang isyu na naglabasan daw ang kanyang nude photo at ipinalabas pa daw ito sa “The Buzz” at “E-Live”.

Ayon naman sa kampo ni Angelica paano daw niya papatulan ang nagkalat na nude photo sa internet dahil hindi naman daw siya ‘yun.

Kaya patuloy daw ang kanyang pananahimik at hindi pagpatol sa isyu ay hindi naman daw kasi siya ang nasa larawan.

Mismo ang bf na si Derek Ramsay at tatay nito ay pinayuhan na manahimik na lang.Noon pa daw niya nalaman nang sumingaw ang isyu ng magpunta ang magdyowa sa Africa.

Sinagot na niya ang isyu kaya nakakaloka na naman at bumabalik ang siyu at bakit daw ayaw paniwalaan ng iba na hindi si Angelica ang nasa larawan kundi kamukha niya lamang.

Kung siya nga raw mismo ‘yun ay gagawa ito ng hakbang at aksyon para madakip ang may kagagawan at pasimuno ng lahat para mabosohan all over the world itong mahusay na actress.

Kahit nga kumakalat na ang nude photo diumano ni Angelica sa internet ay deadma na lang siya dahil hindi naman daw siya ang nasa larawan. Yun na!

****

Christian Vasquez atat na sa annulment ng kasal

GRAVECIOUS ang pagkainip nitong hunk actor na si Christian Vasquez para maibasura na at mapawalang-bisa na ang kasal nito sa non-showbiz na wife nito.

Ayon naman sa tsika ng aming tsismosang kapitbahay na hindi naman daw nag-work out ang kanilang relasyon kahit pa raw anong settle ang gawin ay sa awayan pa rin daw nauuwi ang kanilang pagsasama.

Matagal na din daw naisampa ni Christian ang annulment case ng kanilang kasal ng kanyang dyowa.

Ask naman ng aming tsismosang kapitbahay ay bakit naman daw inip na inip at atat na atat na itong si Christian na ma- annul na ang kasal sa kanyang dating misis dahil may plano itong magpakasal muli.

Ayaw naman itsika ng aming tsismosang kapitbahay kung sino ba ang bagong nililiyag at may plano daw itong pakasalan ni Christian oras na ma-annul na ang kasal nito sa dating misis.

Hindi naman daw pupuwedeng magpakasal si Christian kung hindi pa annul ang unang kasal.

Kaya naman super mega-tiis at super hintay siya sa magiging desisyon ng korte sa kahihinatnan sa kaso na isinampa niya.

Kung ang hunk actor ang tatanungin ay inip na inip na daw ito sa magiging desisyon ng korte pero as of now ay wala pa ring hatol ang korte hinggil sa annulment case nila ng dating asawa.’Yun na! Jovi Lloza

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply