Anne Curtis hinarang ng immigration sa Korea

KAWAWA naman ang nangyari sa cute, sexy at mabait na actress na si Anne Curtis sa pagpunta nito ng Korea (para sa taping ng Green Rose) at pagbalik ng Pinas.

Umalis siya ng Pinas last January 29 at pagdating ng Incheon airport sa Korea ay na-hold siya dahil sa dalang Chanel bag na nasa luggage niya.

Akala raw ng Immigration Department sa Korea ay ibebenta niya sa bansa ang nasabing imported bag at kahit na anong paliwanag ni Anne at kasamang actor na si Jake Cuenca na sila ay actor at actress at ang Chanel bag ay kailangan sa taping dahil sa continuity scene na kukunan doon sa Korea ay hindi pa rin siya tinantanan at ayaw palabasin.

Problema pa ay hindi sila gaanong magkaintindihan because of the language barrier.

Halos maiyak-iyak na raw si Anne sa airport. Finally, pagkatapos ng kalahating oras ay nakumbinse na rin raw ang Immigration at sinabihan pa raw si Anne na siguraduhin lang na dadalhin ulit palabas ng Korea ang Chanel bag.

Sagot daw kaagad ni Anne: “Of course, I`ll bring that with me, it`s my bag.”

Hindi pa doon natapos ang kalbaryo ni Anne dahil nang pauwi na siya ng Pinas ay naisipan niyang bumili ng David Yurman ring sa Duty Free ng Hong Kong International airport worth $600 bilang regalo sa sarili dahil kaarawan niya last Feb.17.

From HK to Philippines ay dala-dala niya ang singsing sa airplane at nang lumanding na ang eroplano, inilapag raw ni Anne ang paper bag ng David Yurman sa foot rest dahil may inaabot siyang bagahe sa itaas, tapos nalimutan niya itong kunin at lumabas na ng plane.

Pero nang maalala raw ni Anne after a few minutes ay kaagad na binalikan niya ang singsing kasama na si Jericho Rosales pero paper bag na lang ang nakita at wala na ang box at pati ang mga flight attendant ay wala na rin daw.

Nakita rin ni Anne ang box sa pamamagitan ng pagkontak sa head ng naglilinis, pero wala na ang singsing.  Nag-report na si Anne sa Cathay Pacific assistance pero wala raw maisagot. Ayaw naman magbintang ng actress kaninuman pero dapat ay sagot pa rin ng airlines ang nangyaring insidente kahit pa sabihing nakababa na nang eroplano.

Ano sa palagay mo, my dear editor? (Baka nakuha na ng ibang pasahero—Ed)

**************

Masayang tinanggap ni Quezon City Mayor Herbert Baustista ang PMPC sa kanyang opisina last Monday para maging inducting officer ng bagong halal sa club.

Sa bulwagan ng QC ginanap ang panunumpa ng mga bagong opisyales ng PMPC at pagkatapos kahit busy si Mayor Herbert ay nagpaunlak pa muna ito magpa-interview sa mga TV crew at PMPC group.

Of course, di nawala sa interview ang matagal nang inire-request ni German Moreno kay Mayor Herbert na isakatuparan na maging local version ng Hollywood star ang Quezon City.

Sabi naman ni Mayor ay wala siyang tutol dito pero kailangan ng masusing pag-aaral din bago ito isakatuparan at gawing batas.

Hindi porke siya raw ang mayor ng Kyusi ay madali at puwede nang kaagad itong isakatuparan. Marami pa rin raw itong pagdadaanan at hindi lang siya ang puwedeng mag-decide.

Sana raw ay maunawaan siya ni Kuya Germs at gusto niya rin ipaabot ang kanyang suporta sa showbiz industry.

**************

Natawa lang si Rhian Ramos sa tsikang malapit na itong ikasal. Malabo raw na mag-asawa na siya kaagad dahil una ay bata pa at marami pa siyang pangarap sa buhay.

“Gusto ko, if ever na may magustuhan na talaga akong guy ay sisiguruhin ko nasa kanya na lahat ang hinahanap ko sa isang lalaki,” say ni Rhian.

Totoo raw na nagde-date sila ni DJ Mo pero wala pa raw sila sa punto may kaugnayan na sila sa isa`t-isa.

Natutuwa raw siya kay Mo dahil smart at madaldal ito tulad ng daddy niya. Yun daw ang ilan katangian hinahanap niya sa lalake. Pero wala pa raw siyang nakikita na lalaking masasabi niyang yun na ang kanyang pakakasalan.

Si Richard pala ang unang nakahalik sa kanya. Nangyari ang first kiss niya sa Captain Barbell na una siyang ipinakilala sa press.

Sixteen years old lang si Rhian noon at hindi niya raw ito makakalimutan sa tanang buhay niya. At ngayon sa My Valentine Girls ay muli siyang makakahalikan si Chard.

Marami raw bago sa naging halikan nila noon ni Chard kumpara sa kissing scene nila ngayon sa My Valentine Girls.

Ask namin kung ano yung pagbabagong halik ni Chard. Natawa at sinabi na lang ni Rhian na basta nahihiya pa rin daw siya nang kunan ang kissing scene nila ni Chard. Gerry Ocampo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply