Anne Curtis humihingi ng kotse kay Luis Manzano

BALIK-TAMBALAN sina Anne Curtis at Luis Manzano, sa pelikulang  “Who’s That Girl”.

Huli silang napanood sa “Ang Cute Ng Ina Mo” with Ai-Ai de las Alas at Eugene Domingo. Ang huling nabanggit ay kasama ng dalawa sa bago nilang pelikula na dinirek ni Wenn Deramas.

Muli kayang magkabalikan ang dalawa after 10 years?

Nariyan pa rin ang friendship ng dalawa. At kahit kissing scene ay hindi nagkakailangan sa eksena.

“We never know,” ani Anne na hanggang ngayon may very special place si Manzano sa kanyang puso.

Ayon naman kay Luis, maganda naman ang foundation ng kanilang relasyon para sa hinaharap, kung anuman ‘yun.

Yes, matalinhaga ang mga tinuran ng dalawa na very open sa kanilang personal na problema, lalo nung nag-dark ang lovelife ng actor, humingi ito ng dasal kay Anne.

Balik-tanaw ni Anne, tutulungan niya si Manzano as long as sasamahan siya nito sa church.

Ani Luis, maganda naman ang naging bunga sa prayers na hiningi niya kay Anne.

Iba talaga ang kanilang friendship. Super close talaga sila sa isa’t isa.

Under renovation ang house ni Luis,  humingi siya ng simple lamp at sofa kay Anne  pero ang kapalit na hihingin ni Anne ay kotse.

Umalma naman ang actor sa lambing ni Anne. May halong biro pa ang actor, na  ang pinaghirapan niya ay kay Anne lang mapupunta. Ha-ha-ha!

Napag-alaman din namin na si Anne ang bagong endorser ng SMDC at mayru’n siyang condo unit dito. At ang type ni Anne along Makati area. Pumirma siya ng dalawang taon kontrata dito. Pinalitan niya si Marian Rivera. Sino kaya ang mas mahusay mag-endorse?

And speaking of SMDC, co-producer ito sa isang pelikulang  ginagawa ni Anne  kasama rin sina Dina Bonnevie, DJ Durano, Candy Pangilinan at Eugene Domingo.

Ipinapakita ng romantic/comedy na pelikula kung paano  pwedeng baguhin ng isang pagkakamali at ng isang espesyal na tao ang ating buhay.
****

‘Happy, YIpee, Yehey’ sa Pebrero 12

BAGONG noontime show ang mapapanood sa ABS-CBN-2, may pamagat na “Happy, Yipee, Yehey” at bagong barkada tuwing tanghali na sina John Estrada, Randy Santiago, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga.

Ang grand launching nito ay sa Pebrero 12, Sabado sa Ynarez Sports Arena.

****
Samantala, in behalf of direk Chito Roño, Vhong Navarro and Angelica Panganiban  and the rest of Star Cinema team, nagpapasalamat sa pagsuporta sa “Bulong”.  Humahataw po ang pelikula sa talikya. Ang pelikulang pambata, pampamilya, pambarkada at pang-Valentine’s date! Joe Cezar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply