Anne Curtis nanakawan ng alahas sa NAIA

DISMAYADO ang actress commercial model na si Anne Curtis nang muling makita ang kanyang nawawalang jewelry box pero wala na mamahaling alahas na naiwan sa maliit na shopping bag sa kanyang inupuan sa loob ng eroplano.

Si Curtis ay dumating kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 lulan ng Cathay Pacific Flight CX 905 mula Hong Kong International Airport, 10:47, Lunes ng gabi.

Walang maibigay na paliwanag ang pamunuan ng Manila International Airport kaugnay sa pagkawala ng alahas ng actress.

Kamakailan, isang papaalis na pasahero na kinilalang si Ernesto de Guzman ang nasalisihan din ng mamahaling relo nang idaan ang bagahe sa Security x-ray machine ng paliparan.

Inaalam na ng pamunuan ng Cathay Pacific kung sino ang posibleng kumuha ng alahas ni Anne Curtis. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply