Anniversary Special: Congratulations sa ating lahat! 19 NA TAON NA PO ANG REMATE AT NAGBIBILANG PA…

Ngayong araw na ‘to Feb. 16, 2011  ay exactly 19 years old na ang ating Remate tabloid ng Remate News Central publication. Imagine nineteen years old na in the eyes at kamalayan ng tabloid reading public ang Remate?

Track record, di po ba? Historically, though buwan ng Marso talaga ang founding ng Remate sabi ng mga trailblazers nito, pero nung na-take over about some three years ago ang panibagong management nito ng bagong presidente/publisher na si Benny Antiporda, dating presidente ng National Press Club (NPC) na ngayon ay pangulo naman ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA), vice president ng International Confederation of Asean Journalists (CAJ) at isa sa mga hard-hitting columnists din ng dyaryong ito mula’t-mula pa, ay minabuti na rin naming i–tweak o i-twist nang konti ang naturang founding to coincide with our publisher’s birthday which is ngayong araw na ito mismo Feb.16, Year of our Lord! And year of the Golden Rabbit.

Since then it has been that way. Think of hitting two birds with one stone to make the situation more than memorable and economical as well.

Bale ba pinaaga-agahan lang ng isang buwan, but make no mistake, walang bonggang birthday celebration para kay Sir Benny sa araw na ito dahil pinagluluksa pa namin ang pagyao kamakailan lamang ng dalawang editors, mga kasamahan sa trabaho na sina Arnold Pajaron at Mars Valenzuela.

In fact, ang Remate natin ay kinamatayan na rin ito nitong linggo lamang na nakaraan ng ama ng aming layout artist na si Rannie Lao at ng isa sa ating entertainment columnists na si Lolo Buenaobra nitong nakaraang buwan naman. Una pa rito ang pagyao rin ng isang kilalang graphic novelist at Remate contributor na si Rico Bello Omagap.

Remate tabloid yet lives on the legacy of the past years through our ups and downs sa pangunguna at pagtataguyod nito ng guru sa publikasyon at kapatnugutan na si Rey Briones fondly known in the industry simply as “Boss RB” sa pakikipagtulungan din mismo ng nabanggit na presidente/publisher sampu ng mga surviving section editors natin sa ngayon  tulad nina Susan Cambri, Lydia Bueno, Jocelyn Barlizo, Johnny Magalona (chief of reporters), Rico Navarro, Fort Nicolas  and Fred Cabalbag who in the past couple of days lamang ay muntik-muntikan nang madedo sa kanyang sinasakyang van on his way home to the
province gawa ng isang mindless, gun-toting freaks on the loose na basta na lang namamaril in Mr. Fred’s direction, thank God it was but a close shave to death.

In any case, think of the libel cases, subpoenas, death threats, sleepless nights cum vexations of the spirits, and moral damages that editors life and limb have to put up with in the name of truth and democracy na kumbaga paminsan-minsan ang integridad o pagkatao na rin nila mismo ang naging collateral. Hazards of the trade. 

On the lighter side, natatandaan natin nung nag-guest ang aming presidente na si
Benny Antiporda sa birthday bash ni katotong Danny Batuigas sa pinaka-unang comedy bar ng bansa (pang-27th year na nila ngayon ayon sa may-ari nitong si Daddy Wowee at sa reynang walang trono na si Sony Pinca), ang  Music Box, Timog, Quezon City nung sabihin onstage ng resident stand-up comedian-singer na si DanJosh Gomez Zacarias (audition master din siya ng “Showtime” ng ABS-CBN na ang Remate raw ang unang pumukaw at sumalamin sa katotohanan ng kanyang pagkatao at pagiging alagad ng sining sa pag-awit at arte.

Sa probinsya pa siya noon kung saan lumaki si DanJosh sa pagbabasa ng mga sex trip sections and advice columns ng Remate at thankful siya dahil maaga siyang naging liberated, open-minded, non-judgmental sa kababasa niya ng Remate for the better towards a fulfilling, healthy lifestyle bilang isang caring at sharing person. At bilang bading.

Sa isang banda naman ayon sa tinaguriang Shirley Bassey of the Philippines na si Willy Jones (beteranong stand-up comedian-singer ng Zirkoh at Clownz na na-profile na sa ilang TV show at sa CNN) masugid siyang tagasubaybay noon at hanggang ngayon ng Ating Alamin section ng Remate.

Napaka-elevating at napakasarap raw basahin at namnamin ang section na ito na isang napakalaking eye-opener para sa kanya, tunay na gabay sa makabuluhang paglalakbay ng sangkatauhan sa mundong walang katiyakan.

Seryosong sumasalamin ng mga panlipunang isyu at problema ang Remate. Natural lamang na ang mga hinaing ng taumbayan ay pinapaabot din natin sa mga kinauukulan hanggang sa lansangan, sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, sa Senado, Kongreso, Ombudsman, sa Mendiola Bridge, at pati na sa bakal na pintuan ng Malakanyang, etc.

Dahil  kailangan din ng Remate na maging socially-responsive at globally competitive, at kaya may website na rin tayo.

Maipagmamalaki natin na ang dyaryong Remate ay may pang-araw-araw na front page exposes taken straight from our high-tech surveillance video cam na siyang humuhuli sa mga kawatan at katiwalian ng lipunan tulad ng korapsyon sa gobyerno, prostitution, drug at human trafficking, pang-aabuso sa karapatang pantao, pang-aabuso sa kalikasan, hayop, etc. na masisilip ‘nyo nang buo sa ating  website: remate.ph, salamat sa inisyatibo ni Joe Torres, kolumnista, kaibigan at kaagapay ng Remate.

Muli, taun-taon sa bawat anniversary natin ng dyaryong Remate ay nagpapasalamat kami sobra sa ating mga kaibigan, benefactors, sponsors, advertisers, distributors, dealers, marketing people sa buong bansa at sa lahat ng mga sumusubaybay sa ating dyaryo araw-araw noon at hanggang sa kasalukuyan.

Mula sa opisina namin sa Remate News Central, Ground Floor ng National Press Club Bldg., Magallanes Drive, Intramuros, Manila, sa pangunguna ng aming presidente/publisher at ng  executive officer na si Miss Evangeline Antiporda, kaming lahat na nasa harap at likod ng publikayong ito ay nagpapasalamat sa walang sawang pagsuporta nyo sa aming mga inisyatibo para maitawid namin nang buong katotohanan at giting ang mga bali-balita pati na ang mga kaiga-igaya at kaintriga-intrigang mga showbiz tsismis sa araw-araw na ginawa ng Dios.

Mabuhay po tayong lahat sa aming panglabingsiyam na taong pagsisilbi sa aming mga mahal na mambabasa at suki ng dyaryong Remate! “Walang iwanan mga ‘tol,” sabi nga ni Robin Padilla!

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply