Anomalya sa Customs iimbestigahan sa Kamara

INAASAHANG dadagsa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga car importers and manufacturers para sa isasagawang imbestigasyon ng House Committee on Ways and Means hinggil sa umano’y nagaganap na kutsabahan ng mga ito sa mga opisyales ng Bureau of Customs (BoC) kapalit ng mababang babayaran sa tax and duties ng mga imported na sasakyan.

Bunsod ito sa  naging kahilingan ng may akda ng House  Bill 709 na si  Rep. Maria Milagros ‘Mitos” Magsaysay ng unang distrito ng Zambales sa nasabing komite upang malaman ang ipinapatupad  na sistema ng Customs sa koleksyon ng tax and duties ng mga imported na sasakyan.

Malaking katanungan sa lady solon ang napakababang bayarin sa tax and duties na kinokolekta  ng Customs sa  mga car importers and manufacturers maging ito man ay i-assemble pa lang o buong sasakyan na pagdating sa bansa .

Dahil dito , hiniling  ni  Magsaysay sa Customs ang kumpletong datos ng mga imported vehicles upang malaman kung magkano ang kanilang binababayarang buwis sa mga importers and manufacturers nito.

Nais  din ng  mambabatas  ang kumpirmasyon ng Bureau of  Internal Revenue (BIR) para sa ikakalinaw ng “undervalued tax”  ng mga imported na sasakyan.

Ibinase ito ng mambabatas sa ibinigay na data mula sa Batangas Port kung saan ay hindi klaro ang  deklarasyon ng imported vehicle dahil sa nagtataglay lamang ito ng summary ng vios vehicle at hindi nakalagay doon kung magkano ang tax and duties nito pagdating sa breakdown ng certificate of payment nito.

Kailangan aniya ng isang certificate of payment bawat isang kotse upang malinaw na walang nagaganap na anomalya rito.

Hiniling  din ang  breakdown ng  nasabing  sasakyan  para makita   rin kung  tama  ang binabayaran   tax and  duties sa  BOC ang mga importers and  manufacturers ng  sasakyan  sa bansa.

Tiyak  aniyang  hindi na  magkukulang  ang budget ng bansa  kung ginagawa ang  tamang singil sa mga  importers  and  manufacturers  ang  naturang  ahensya dahil wala namang local manufacturers ng sasakyan sa bansa.

“Lahat  ay imported ang  sasakyan , dito na lamang  ina-assemble dahil walang nagmamanupaktura ng mga sasakyan sa atin,” ani Magsaysay.

Inaasahan  ng  lady solon  ang  pagdalo ni Customs Commissioner Angelo Alvarez sa pagdinig sa Lunes, Pebrero 14, upang  magbigay-linaw  sa umano’y anomalya sa kanyang tanggapan na nagdulot sa pagkalugi ng bilyong piso ng pamahalaan mula sa mga  tax and duties ng mga  imported  na  sasakyan.

Una  rito ang  bantang ipa-subpoena ng Kamara si  Alvarez sa sandaling hindi nito siputin ang nasabing pagdinig bukas. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply