Anomalya sa drug testing sa PBA nabunyag

KAYA umano dumarami ang mga durugistang atleta sa Philippine Basketball Association (PBA) ay dahil sa nabunyag na  maluwag  na proseso at anomalya sa drug testing.

Ayon sa  sources, maging si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ritchie Garcia ay hindi na nakikialam dito dahil maaaring sangkot umano ang mga matataas na opisyal.

Dapat umanong higpitan ang pagpapatupad ng random drug test sa mga PBA cagers upang mahuli kung sinu-sino ang gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Samantala, binanggit din ng mga kritiko na lalamya-lamya naman sa laro ang mga imports at Fil-Ams ngayon dahilan upang mawalan na sila ng ganang manood.

“Wala na ‘yung mga super imports gaya nina Billy Ray Bates, Tony Harris, Micheal Hacket, David Thirdkill, Andy Fields at iba pa,” wika ng isang kritiko. “Puro mga bangko ng NBA na lang ang nand’yan. Mga basura, ika nga.”

Iginiit pa ng mga fans na sa dami nang mga Fil-Ams na mukhang Amerikano, hindi na nila malaman kung sinu-sino ang imports sa mga ito.

“Pati mga coach, imported na rin. Bakit kaya ‘di na lang tayo sumali sa NBA…tutal halos lahat sa PBA, kano na rin eh?!” ang naiinis pang tanong ng isang kritiko.

Dagdag pa ng mga kritiko, nabura na rin ang kapana-panabik na team rivalry na gaya ng Crispa-Toyota noon dahil na rin sa papalit-palit ng team ang mga star players at nawala na rin ang team loyalty ng mga nanonood.

“Naging focused na lang sa individual players at s’yempre, sa dami ng pumapasok na bago every year, nagsasawa na din kahit na ang mga fans kasi ‘di nabibigyan ng proper time and exposure ‘yung kanilang mga favorite players,” giit pa ng isang kritiko. “Dapat ayusin ng PBA ang mga depektong ito sa liga upang bumalik na ang sigla nito.” Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply