Anomalya sa rebel returnees fund nabunyag

ISA na namang iregularidad sa paggugol ng P500 milyong pondo na inilaan ng gobyerno sa rebel returnees ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Cordillera Peoples Liberation Army (CPLA) ang nabunyag sa mga kongresista.

Pinagpapaliwanag ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa diumano’y anomalya sa P500 milyon na rebel returnees fund sa panahon ng kanyang administrasyon.

Sinabi ni Colmenares na posibleng “sources of the pabaons and pasalubong” ng matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines ang naturang pondo.

Sa patuloy na pag-aaral ni Colmenares, kung paano ginagastos ang pondo ng Department of National Defense at AFP ay lumalabas na kwestyunable ang staffing summary salary at ang personal services budget na isinumite ni GMA noong 2002 at 2003 na pawang nag-uugnay sa sahod ng rebel returnees mula sa MNLF at CPLA.

Noong 2002 budget (page 1215 GAA) ay humingi si GMA ng P437.578 milyon para sa sahod ng may 2,870 MNLF integrees sa ilalim ng “MNLF Integration Program” o P12,000 basic monthly salary.

Naulit aniya ito noong 2003 subalit mas malaki pa rito ang hiningi ni GMA na batay sa DND-AFP Staffing Summary na isinumite (page 1289 GAA) para sa 500 MNLF integrees na dapat ay P44.564 milyon ay humingi si GMA ng kabuuang 110.683 milyon para sa parehong MNLF integree program ng 2003 budget (page 402 GAA).

Hindi lamang nangangahulugan na may discrepancy ng P66. 119 milyon na hindi maipaliwanag bilang “additional allowances and benefits” dahil ito ay mahigit pa sa dobleng halaga ng basic salary, dahil lumalabas na ang may 500 MNLF integrees ay tumanggap ng monthly salary na P18,447.00.

Kung totoo ayon kay Colmenares ang halagang ito ay kanya itong kinokondena dahil noong 2003 ay marami pa ring pampublikong guro ang sumasahod ng P10,000.

Sa 2003 budget pa rin (Staffing Summary page 1289 of the GAA) ay humingi si GMA ng  P42.451 milyon para sa may 264 CPLA integrees na lumalabas na sumasahod ang mga ito ng tig-P13,400 basic monthly salary bawat integree.

Inalmahan din ni Colmenares ang pananahimik ni GMA habang ginigisa sa Senado at Kamara ang kanyang mga dating heneral.

“She must be held to account not only for giving P18,000 pesos per month salaries to MNLF integrees while her soldiers are given only half of that, but also to explain where these funds were spent. She cannot keep silent while her generals and the chiefs of staff she appointed are being roasted in the Senate for corruption,” binigyang diin pa ni Colmenares. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply