Anong sori-sori sa Taiwan, ano sila sinusuwerte?

ANO ba naman itong Taiwan, tila nambabraso dahil sa puro pananakot ang ginagawa nito sa atin. Mantakin ninyo, pag hindi raw  tayo nag-sorry sa pag-deport sa 14 na criminal suspects sa Mainland China, parurusahan at pahihirapan daw ng mga tarantadong Taiwanese ang mga kababayan nating nagtatrabaho roon.

Aba, wala namang ganyanan! Ano yan, brasuhan? Sa tingin ng iba, hindi makatarungan ang ginawa natin.  Dapat daw ay sa Taipei idineport ang mga ito dahil pawang mga Taiwanese sila.

Ang  problema, una, ang mga biktima ng suspects ay puro mga taga-Mainland China. Hindi taga-Taiwan. Pangalawa, walang kaso laban sa suspects kung sa Taipei sila itatapon, walang sala ang 14. Pero dahil sa nasa Mainland China lahat ang biktima nila siguradong kulong sila roon. Nandun ang biktima at nandun din ang ebidensya. May kaso. Kaya doon, preso sila. At malamang bitay ang aabutin nila

Iyon ba ang dahilan kung bakit tayo tinatakot ng mga lintik na Taiwanese kasi hindi natin pinakawalan ang mga suspects sa kanila? Malabo naman yun. Di ba ang usapan dapat maparusahan ang may sala? Baligtad yata ang gustong mangyari ng Taiwan. Ano sila sinusuwerte?!

STL  sa Laguna  manipulado

Walang tigil sa pag-ooperate ng bookies ng STL ng magpakner na sina Vic Siman at Dante Alvarez sa buong Laguna. Halos buong bayan ng Laguna ay manipulado nang bookies ng STL ng dalawa.

Mula sa gobernor, congressmen, mayor hanggang sa barangay ay “naka-timbre” ang bokies ng STL ng magpakner na Vic S. at  Dante A.

Ang tanong, magkano naman kaya ang timbre ng bawat isa, kung meron nga? Meron nga ba…?

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com- Johnny Magalona

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply