Anthony nagpasiklab Knicks debut

NAHANAP na ni former Denver Nuggets superstar Carmelo Anthony ang tunay na tahanan para sa kanyang basketball career matapos umarangkada ng 27 puntos, 10 rebounds at isang assist sa kanyang debut sa New York Knicks.

Nagsalpak ng dalawang clutch baskets sa huling minuto ng laban si Anthony upang giyahan ang Knicks sa panalo kontra Milwaukee Bucks, 114-108, sa nagaganap na National Basketball Association (NBA) regular season.

Kumana lamang ng 10-of-25 tira si Anthony subalit mga importanteng puntos naman ang naisalpak nito upang tulungan ang New York na mapaganda ang team standing kahit na nag-foul out ang kapwa star player na si Amare Stoudemire.

Sumegundo sa puntos ang isa pang dating Nuggets player na nakasama sa blockbuster trade na si Chauncey Billups. Tumikada si guard Billups ng 21 puntos, anim na boards at walong assists upang tulungang ilista ng Knicks ang kanilang third straight win at umangat sa 28-26 sa Eastern Conference Atlantic Division.

Lumamang ng apat na puntos ang Knicks matapos ang baseline drive para sa isang dunk ni Anthony at isang mahirap na tira para sa 108-102 lamang, may 26 segundo pa ang nalalabi. Sa huling 11.4 segundo ng laban ay nagsalpak pa si Anthony ng dalawang free throws.

Si John Salmons naman ang nagbida para sa Bucks sa kinamadang 27 puntos, pitong assists at apat na rebounds habang pumangalawa sina Andrew Bogut at Carlos Delfino na kapwa may 14 puntos. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply