Anti-corrupt czar, tinanggihan ni Mendoza

TINANGGIHAN ni dating Commission on Audit (COA) auditor Heidi Mendoza ang alok ng Palasyo na maging anti-corrupt czar matapos patunayan ang talamak na katiwalian sa Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa “pabaon”.

Sa panayam kay Mendoza, tanging iling lamang ang kanyang itinugon sa alok na maging czar nang imungkahi ni Senator Alan Peter Cayetano, Biyernes, Pebrero 4.

Ayon kay Mendoza, hindi siya naghahangad ng anumang kapalit sa kanyang pagpapatunay sa katiwalian sa pabaon at payola system sa AFP na pinangungunahan ni dating AFP comptroller ex-Gen. Carlos Garcia.

Bilang reserve officer aniya ng Philippine Air force, hangad nito ang reporma sa AFP, upang tuluyang masawata ang korupsyon sa militar.

Dahil dito, nagpahayag ng paghanga si  Cayetano kay  Mendoza partikular ang  katapangan na ginawa nito para sa kapakanan ng bayan laban sa katiwalian, kahit na nakasalalay dito ang seguridad at kapakanan ng kanyang  pamilya.

Bukod dito, nagpahayag din ng kalungkutan ang senador nang hilingin ni Mendoza kay Senator Teofisto Guingona III, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na huwag na siyang padaluhin sa mga susunod na pagdinig.

Ngunit, umaasa si Cayetano na magbabago ang isip ni Mendoza na inaasahan din ni Guingona, upang tuluyan nang makalikha ng kaukulang batas na magtatakda ng alituntunin laban sa katiwalian sa AFP. Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply