‘Anti-Life’ bill patuloy na ipananalangin

IPAGPAPATULOY ng diocese ng San Pablo, Laguna ang pananalangin ng Oratio Imperata hangga’t hindi sila nakatitiyak na ibabasura sa Kongreso ang Reproductive Health (RH) bill na mahigpit na tinututulan ng Simbahang Katoliko at tinagurian pa nitong anti-life bill.

Hinikayat ni San Pablo Bishop Leo Drona ang may 2.6 milyong Catholic constituents sa lalawigan na ipagpatuloy ang araw-araw na pananalangin ng Oratio Imperata na “Respect of All Human Life” simula ngayong linggong ito.

Sa isang circular, ipinag-utos ni Drona na hanggat hindi tuluyang nababasura sa Kongreso ang naturang panukalang batas ay dapat na isama sa lahat ng Banal na Misa sa Laguna ang pagdarasal ng Oratio Imperata matapos ang Post-Communion prayer.

“All parishes are obliged to pray the mandatory prayer until the RH Bill and all similar bills currently pending at Congress have been rejected,” anang Obispo.

Nabatid na ang naturang Oratio Imperata ay dinasal na sa diocese noong nakaraang Pasko hanggang Enero 2011 bilang protesta laban sa RH bill.

Samantala, inaasahang maglulunsad rin ng isang malawakang signature campaign ang diocese para tutulan ang naturang panukalang batas at respetuhin ang buhay ng tao. Ang naturang province-wide signature campaign laban sa RH bill ay pangungunahan ng Diocesan Commission on Family Life.

Ayon sa Obispo, ang naturang signature campaign ay isang matibay na patunay na tutol ang mga laity ng diocese sa RH bill. Kyle Gatus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply